Nilalaman
:
Inaprubahan ng Executive Yuan “Ang programa sa pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa”, at natapos na ng Ministri ng Paggawa ang rebisyon ng mga nauugnay na regulasyon at itinalaga itong ipatupad mula Abril 30, 2022. Ang mga migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o mga dayuhang estudyante na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na nakakatugon sa mga itinakdang pamantayan para sa suweldo at teknikal na kondisyon, ay maaaring i-aplay ng tagapag-empleyo upang makisali sa mid-level na teknikal na trabaho, ang bawat permiso ay magtatagal hanggang 3 taon, maaaring mag-aplay ng extension kapag nag-expire na , at walang limitasyon sa mga taon ng pagtatrabaho, ito ay magagawang panatilihin ang mga nakatataas na migranteng manggagawa at mga dayuhang estudyante na inalagaan sa ating bansa upang malutas ang problema ng kakulangan ng mid-level na teknikal na lakas-tao.
Tungkol sa “Ang programa sa pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa”kung sino ang mga naaangkop na mag-aplay ng mid-level na teknikal na lakas-tao, kwalipikasyon ng tagapag-empleyo, kwalipikasyon ng dayuhan, bilang ng mga aplikante, aplikasyon at pamamahala ng tagapag-empleyo, pagpapalit ng tagapag-empleyo, at mga pamantayan sa pagsingil, atbp. , ang Ministri ng Paggawa ay binago nang sabay-sabay ang “Regulasyon sa pahintulot at pangangasiwa ng pagtatrabaho ng mga dayuhang manggagawa”, “Ang mga pamantayan sa pagsusuri at kwalipikasyon sa pagtatrabaho para sa dayuhang nagtatrabaho na tinukoy sa aytem 8 hanggang 11 talata 1 sa artikulo 46 ng batas sa serbisyo sa pagtatrabaho”, “Mga direksyon ng mga regulasyon sa paglilipat ng trabaho at ang mga patakaran sa pagtatrabaho para sa mga dayuhang nakikibahagi sa mga trabahong tinukoy sa aytem 8 hanggang 11 talata 1 artikulo 46 ng batas sa serbisyo sa pagtatrabaho”, “Mga pamantayan sa pagsingil ng bayad para sa pagsusuri sa kaso ng aplikasyon at ng lisensya sa ilalim ng batas sa serbisyo sa pagtatrabaho”at iba pang mga regulasyon at kautusan at kaugnay na mga tuntuning pang-administratibo, Ito ay inilabas noong Abril 29, 2022, at itinalaga ang Abril 30 para sa pagpapatupad.
"Ipinahayag ng Ministri ng Paggawa na " Ang programa sa pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa”ay bukas sa pangingisda sa karagatan, pagmamanupaktura, konstruksiyon, agrikultura (limitado sa outreach na pagsasaka, orchid, mushroom, gulay ) at mga manggagawa sa pangangalaga na mga mid-level na teknikal na trabaho ay maaaring gawin ng mga dayuhan ; tungkol naman sa mga kwalipikasyon para sa mga tagapag-empleyo na mag-aplay para sa pagkuha ng mid-level na teknikal na lakas-tao, pareho ang mga kwalipikasyon para sa pagkuha ng mga migranteng manggagawa. Halimbawa, ang industriya ng pagmamanupaktura ay dapat kabilang sa isang partikular na proseso ng industriya at nakakuha ng liham sa pagkumpirma mula sa Ministri ng Economic Affairs bago mag-aplay sa pagkuha ng manggagawa, at para sa bawat industriya, may limitasyon sa antas ng aplikasyon o bilang ng mga tao. Halimbawa, ang isang kumpanya sa pagmamanupaktura ay naaprubahan ng 20% ng proporsyon ng mga migranteng manggagawa, ang ratio ng mid-level na teknikal na lakas-tao ng kumpanya ay 25% ng ratio ng mga migranteng manggagawa, yan ay 5% (20%*25%=5%) , at ang bilang ng mga migranteng manggagawa, mid-level na teknikal na lakas-tao at dayuhang propesyonal na technician na nagtatrabaho sa kumpanya sa loob ng parehong numero ng sertipiko ng seguro sa paggawa ay hindi dapat lumampas sa 50% ng kabuuang bilang ng mga empleyado.
Sa karagdagan, upang maging kwalipikado ang isang dayuhan, ay dapat matugunan magkasama ang pamantayan ng senioridad, suweldo at teknikal na mga kondisyon, at kung ang migranteng manggagawa ay mag-convert sa isang mid-level na teknikal na lakas-tao, ay dapat na nagtrabaho sa Taiwan ng hindi bababa sa 6 na magkakasunod na taon, o umabot na sa pinagsama-samang mga taon ng pagtatrabaho ng batas sa serbisyo sa pagtatrabaho , bago mabago ang katayuan sa isang mid-level na teknikal na lakas-tao; bilang karagdagan, ang mga dayuhang nakikibahagi sa industriyal na mid-level na teknikal na trabaho ay dapat magkaroon ng buwanang palagiang suweldo na NT$33,000, at kung sila ay nakikibahagi sa mga mid-level na teknikal na institusyon ng pangangalaga, ang kanilang buwanang palagiang suweldo ay dapat sa NT$29,000, kung nakikibahagi sa mid-level teknikal ng pangangalaga sa bahay, ang kabuuang buwanang suweldo ay dapat umabot sa NT24,000, bilang karagdagan, batay sa pagsasaalang-alang sa pagpapanatili ng talento, ang buwanang palagiang suweldo ng mga mag-aaral na dayuhan na may associate degree sa unang pagkakataon ay NT30,000, ang pagbabalik pagtatrabaho ay NT33,000, at ang mga dayuhan ay dapat magkaroon ng isa sa mga kondisyon tulad ng ang mga propesyonal na lisensya, mga kurso sa pagsasanay o praktikal na sertipikasyon, bago maging karapat-dapat na mag-aplay.
Ipinahayag pa ng Ministri ng Paggawa na upang Isaalang-alang ang proteksyon ng trabaho sa sarili nating kababayan at ang pagpapanatili ng mga talento, ang mga tagapag-empleyo na kumukuha ng mga dayuhan upang makisali sa mga mid-level na teknikal na trabaho ay dapat pa ring magsagawa ng mga proseso ng lokal na rekrut. kung ang bilang ng mga rekrut ay hindi sapat, saka lamang maaaring mag-aplay sa Ministri ng Paggawa para sa isang permiso sa pagtatrabaho para sa hindi sapat na bilang ng mga tao. Para sa bahagi ng pamamahala, ang pagsusuri sa kalusugan, abiso sa pagpasok o pagpapatuloy, pamamahala sa buhay, pagbisita ng lokal na pamahalaan, pag-verify ng pagwawakas ng kontrata, at pagpapalit ng tagapag-empleyo at iba pang mga regulasyon ng pagkukuha ng mid-level na teknikal na dayuhan ay pareho ang mga prinsipyo sa kasalukuyang mga regulasyon para sa mga migranteng manggagawa, upang maprotektahan ang mga karapatan at interes ng mid-level na teknikal na dayuhan.
Bago mag-aplay sa Ministri ng Paggawa ng permiso sa pagkuha ng mga dayuhan upang makisali sa mid-level na teknikal na trabaho, dapat makuha muna ang sertipiko ng may-katuturang teknikal na kondisyon para sa mga dayuhan, kasama ang patunay ng tagapag-empleyo sa paghahanap ng talento sa bansa, application form, at isang sertipiko ng walang paglabag sa mga batas sa paggawa na ibinigay ng lokal na pamahalaan, atbp., ang mga dokumento ay maaaring ilapat online sa pamamagitan ng " Online na sistema ng aplikasyon para sa mga kaso ng pag-aplay ng dayuhang manggagawa " (https://fwapply.wda.gov.tw). Para sa iba pang mga kaugnay na regulasyon, mga form ng aplikasyon at QA, maaaring bumisita sa “Pahina ng Impormasyon ng Programa para sa Pagpapanatili ng mga Dayuhang May Mid-level na Teknikal na lakas-tao” ng Workforce Development Agency ng Ministry of Labor, at ang website ay: https://fw.wda.gov.tw/wda-employer/home/mid-foreign-labor, o tumawag sa 1955, 02-89956000 upang magtanong.