Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

Sagot: 
Maaaring pumunta sa “Pahina ng impormasyon ng programa para sa pagpapanatili ng mga dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao” ng Ministri ng Paggawa sa:https://gov.tw/4z4

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/22
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 

1. Pagkatapos pumasok sa plataporma ng serbisyong digital sa Ahensya sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Trabaho ng Ministri ng Paggawa, mag-log in bilang miyembro at tingnan ang mga kurso sa pagsasanay online.
2. Basta nakumpleto mo ang pag-aaral ng bawat kabanata ng online na kurso, at ang naipon na oras ng pag-aaral ay umabot sa higit sa 80% ng mga oras ng kurso, maaari mong makuha ang sertipiko ng mga oras ng pag-aaral ng kurso.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/22
  • Petsa ng pag-update :2023/03/22

Nilalaman :

Sagot: 

1. Kung kailangan makuha ang sertipikasyon ng mga oras ng pag-aaral, dapat tandaan na mag-log in bilang isang miyembro bago tingnan, upang maitala ang iyong mga oras ng pag-aaral.
2. Mga hakbang para mag-log in sa plataporma ng serbisyong digital ng Ahensya sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Trabaho ng Ministri ng Paggawa: pumasok sa plataporma ng serbisyong digital ng Ahensya sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Trabaho ng Ministri ng Paggawa → mag-click sa tuktok ng webpage para mag-log in:
3. Para sa mga miyembro ng Taiwan jobs: Mangyaring mag-log in nang direkta at simulan ang panonood at pag-aaral.Mga hindi miyembro ng Taiwan jobs: Mangyaring sumali muna sa Taiwan jobs bilang isang miyembro, at pagkatapos ay mag-log in upang simulan ang panonood at pag-aaral.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/22
  • Petsa ng pag-update :2023/03/22

Nilalaman :

Sagot: 
Bibigyan ng priyoridad ang paggawa ng mga bersyon ng multilinggwal para sa mga mahahalagang proyekto sa industriya ng pagmamanupaktura.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 

1. Para sa mga dayuhang nakikibahagi sa pang-industriya na mid-level na teknikal na trabaho, mag-login sa miyembro ng plataporma ng serbisyong digital ng Ahensya sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Trabaho ng Ministri ng Paggawa, pagkatapos i-click ang [pagpapanatili ng personal na impormasyon at mga tala sa pag-aaral], maaari tingnan ang mga talaan ng pag-aaral.
2. Para sa mga dayuhang nakikibahagi sa pangangalaga sa bahay na mid-level na teknikal na trabaho, maaaring pumunta sa website ng mga multinasyunal na karapatan at interes sa paggawa ng Ministri ng Paggawa \ sa pook ng karagdagang pagsasanay para sa mga dayuhang pangangalaga sa bahay, at i-click ang "Pag-print ng sertipiko ng pagkumpleto sa digital na pag-aaral " at makukuha ang sertipiko ng karagdagang pagsasanay sa digital na pag-aaral.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/22
  • Petsa ng pag-update :2023/03/22

Nilalaman :

Sagot: 
Ang kursong pagsasanay sa "Industriya ng patakaran" na kinikilala ng Ministri ng Paggawa ay inaasahang maaaprubahan at ipahayag sa kalagitnaan ng huli ng Mayo bawat taon.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/23
  • Petsa ng pag-update :2023/03/23

Nilalaman :

Sagot: 
Mangyaring makipag-ugnayan sa bintana ng mga kurso sa yunit ng pagsasanay para sa pagpaparehistro, o pumunta sa "Pahina ng impormasyon ng programa para sa pagpapanatili ng mga dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao" ng Ministri ng Paggawa, ang website ay: https://gov.tw/4z4.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/23
  • Petsa ng pag-update :2024/03/26

Nilalaman :

Sagot: 
Oo.Ang dalas ng pagdalo ng trainee ay umabot sa 80%, at nakumpleto ang mga kondisyon sa pagtatapos ng pagsasanay na itinakda ng unit ng pagsasanay, matapos makumpleto ang pagsasanay ay maaaring makuha ang sertipiko ng pagkumpleto ng pagsasanay.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/23
  • Petsa ng pag-update :2023/03/23

Nilalaman :

Sagot: 
(1) Hihilingin ng punong-tanggapan ang Ministri ng Pang-ekonomiyang Affairs, Ministri ng Agham at Teknolohiya, ang Ahensiya ng Konstruksyon at Pagpaplano, at ang Komisyon sa Pampublikong Konstruksyonna at mga kaugnay na sentral awtoridad sa target na negosyo na suriin ang mga pangangailangan ng industriya, at sa mga kategorya ng sertipikasyon na mas malamang na mag-aaplay ang mga migranteng manggagawa, magplanong dagdagan ng mas maraming batch at i-translate ang paksa ng pagsusulit.Sa hinaharap, patuloy na pagbubutihin ang gawaing nauugnay sa pagsusulit, upang mapadali ang pag-aplay ng mga tagapag-empleyo para sa paglipat ng mga migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao.
(2) Ang mga kurso ng pagsasanay sa pagtutulungan ng programa sa pang-industriya pamumuhunan ng talentong, pang-industriya sa pag-upgrade at pagbabago kasama ang mga yunit ng pagsasanay sa lingkod ng bayan (kabilang ang mga grupo sa industriya, mga grupo ng unyon ng manggagawa, mga kolehiyo at institusyong pang-bokasyonal na pagsasanay, atbp.), kung ang tagapag-empleyo ay may mga mungkahi para sa programang ito, maaaring gumawa ng mungkahi sa yunit ng pagsasanay, ang aplikasyon ay imumungkahi ng yunit ng pagsasanay sa Pebrero o Oktubre bawat taon.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 
Ito ay pinagkasunduan ng kapwa dayuhan at ng tagapag-empleyo.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 
Maaaring pumunta ang mga tagapag-empleyo sa "migranteng manggagawa dynamic inquiry system" (https://labor.wda.gov.tw/labweb/) tanungin ang bilang ng mga araw ng trabaho ng upahang migranteng manggagawa sa Taiwan, upang mapadali ang aplikasyon sa mid-level teknikal na lakas-tao.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/29
  • Petsa ng pag-update :2023/05/29

Nilalaman :

Sagot: 
Oo, ayon sa pamantayan ng plano ng serbisyo sa pangangalaga sa buhay ng mga dayuhan, ang tagapag-empleyo ay dapat bumili ng insurance sa aksidente para sa nagtatrabahong mid-level na pangangalaga sa bahay.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/29
  • Petsa ng pag-update :2023/05/29

Nilalaman :

Sagot: 
Hindi, ang mga dayuhang puting kuwelyo (propesyonal) ay kabilang sa unang kategorya ng mga dayuhan na itinakda sa Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho, sa kasalukuyan ay hindi pa pinapayagan ng ating bansa ang mga dayuhang puting kuwelyo na lumipat sa pagiging migranteng manggagawa at ng mid-level teknikal na lakas-tao sa loob ng bansa.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/29
  • Petsa ng pag-update :2023/05/29

Nilalaman :

Sagot: 
Ayon sa Artikulo 5 ng mga bayarin at mga pamantayan sa halaga ng serbisyo sa pribadong pagtatrabaho, ang mga serbisyo sa pagtatrabaho para sa tubo na tumatanggap ng paghirang ng mga dayuhan upang pangasiwaan ang mga serbisyo sa pagtatrabaho para sa trabahong tinukoy sa Artikulo 46 Talata 1 Aytem 11 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho ay maaaring mangolekta ng mga bayarin sa pagpaparehistro at sa referral mula sa mga dayuhan, ang kabuuang bayad ay hindi lalampas sa unang buwang suweldo ng dayuhan, ngunit dapat lamang ang may mga katotohanan ng pagpaparehistro at referral ang maaaring singilin.Bilang karagdagan, maaaring singilin ang taunang bayad sa serbisyo na hindi hihigit sa NT2,000.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/25
  • Petsa ng pag-update :2023/03/25

Nilalaman :

Sagot: 
(1) Ang mga aytem sa pagsingil at mga pamantayan ng halaga ng mga ahensya ng serbisyo sa pribadong trabaho (mula rito ay tinutukoy bilang mga pamantayan sa pagsingil) ang Artikulo 2 ay nagsasaad na ang "bayad sa pagpaparehistro" ay para sa bayad na kinakailangan sa pagpaparehistro at paghahanap ng trabaho.Ang " bayad sa referral " ay tumutukoy sa bayad na kinakailangan upang ipareha ang isang naghahanap ng trabaho sa isang tagapag-empleyo upang magtatag ng isang relasyon sa trabaho.Ang Artikulo 3 ng parehong batas ay nagsasaad na kapag ang isang ahensya ng serbisyo sa pagtatrabaho para sa kita (mula rito ay tinutukoy bilang isang ahensyang tagapamagitan) ay tumanggap ng paghirang ng isang tagapag-empleyo upang pangasiwaan ang negosyong serbisyo sa pagtatrabaho, maaari nitong singilin ang tagapag-empleyo ng bayad sa pagpaparehistro at bayad sa pagpapakilala, at ang ang kabuuan singil sa bawat empleyado ay hindi dapat lumampas sa kanyang unang buwang suweldo.Ang Artikulo 5 ng parehong batas ay nagsasaad na kapag tinanggap ng isang ahensyang tagapamagitan ang paghirang ng isang dayuhan upang pangasiwaan ang negosyo ng serbisyo sa pagtatrabaho na tinukoy sa Talata 1 hanggang Talata 7 o Talata 11 ng Artikulo 46, Aytem 1 ng Batas na ito, maaari nitong singilin ang dayuhan ng bayad sa pagpaparehistro at bayad sa pagpapakilala, at ang kabuuan ay hindi lalampas sa unang buwang suweldo ng dayuhan.
(2) Ayon sa nabanggit, ang mga ahensyang tagapamagitan na naniningil ng bayad sa pagpaparehistro at bayad sa pagpapakilala sa mga  “tagapag-empleyo" at "mid-level teknikal na dayuhan" na nag-aaplay ng mid-level teknikal na dayuhan, ay dapat sundin ang "prinsipyo ng pagsingil lamang kapag may katotohanan na serbisyo", ayon sa mga bagay sa serbisyo sa pagtatrabaho na itinalaga ng " tagapag-empleyo " o "mid-level teknikal na dayuhan", ang pamantayan sa pagsingil ayon sa mga probisyon ng Artikulo 3 (tagapag-empleyo) at Artikulo 5 (mid-level teknikal na dayuhan), nasa loob ng tinukoy na pinakamataas na limitasyon, ang parehong partido ay dapat magkasundo sa halaga ng pagpaparehistro at mga bayad sa pagpapakilala.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/29
  • Petsa ng pag-update :2023/05/29