Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

Sagot: 
1. Mga migranteng manggagawang  kasalukuyang nagtatrabaho sa Taiwan 
(1) Patuloy na kukunin ng orihinal na employer ang mga migranteng manggagawa upang maging mid-level skilled worker: Ang migranteng manggagawa ay nakapagtrabaho na sa employer ng higit sa 6 na taon. Hindi na kinakailangan ng employer hintayin ang pagtatapos ng employment permit upang kunin muli ang migranteng manggagawa upang maging mid-level skilled worker.
(2) Ang bagong employer ay nagnanais na ilipat ang migranteng manggagawa bilang isang mid-level skilled worker: Kung ang migranteng manggagawa ay nakapagtrabaho na nang 6 na magkakasunod na taon, 6 na taon o mahigit sa parehong employer, o kaya naman ay may kabuuang 11 na taon at 6 na buwan nang nakapagtrabaho sa Taiwan, ang bagong employer ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa loob ng 2-4 na buwan bago matapos ang employment permit.
(3) Kung ang migranteng manggagawa ay nakibahagi sa mga on-the-job training at nakakuha ng associate degree pataas sa pagmamanupaktura, konstruksyon, agrikultura, pangmatagalang pangangalaga, atbp., ay maaari ring mag-aplay.
2. Umalis na ng bansa ang dayuhan: Mga migranteng manggagawang nakapagtrabaho na sa bansa ng kabuuang 11 na taon at 6 na buwan at nakaalis na ng bansa ay maaaring mag-aplay ng trabaho sa isa sa dati nilang mga employer sa Taiwan (orihinal na employer). Para sa mga migranteng manggagawang nagtatrabaho bilang mid-level na nangagnalaga ng tahanan, kabilang ang mga kamag-anak sa ikatlong degree ng orihinal na inaalagaan bilang employer.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2024/04/23

Nilalaman :

Sagot: 
Kailangan, ayon sa Artikulo 47 at 48 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho, ang mga tagapag-empleyo ay nagpapatrabaho ng mga dayuhan para magsagawa ng trabahong tinukoy sa Artikulo 46, Talata 1, Aytem 11 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho, ay dapat gawin muna ang pag-rekrut sa loob ng bansa na may makatwirang kondisyon sa paggawa, kapag hindi matugunan ng pangangalap ang kanilang mga pangangailangan, saka lamang maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo ng permiso mula sa Ministri ng Paggawa kalakip ang mga kaugnay na dokumento para sa kakulangang bilang.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/03/15

Nilalaman :

Sagot: 
1. Upang kumuha ng mid-level na teknikal na tauhan, dapat munang maghanap ng talento sa loob ng bansa ang mga employer, ang proseso ay kapareho ng pamamaraan sa paghahanap ng talento sa loob ng bansa bago kumuha ng mga migranteng manggagawa:

(1) Pagkuha ng mid-level na teknikal na lakas-tao para sa pangangalaga sa bahay: ang sentro ng pamamahala ng pangmatagalang pangangalaga sa lokasyon ng trabaho ay magrerekomenda ng mga lokal na care attendant.
(2) Pagkuha ng iba pang mid-level na teknikal na lakas-tao: dapat mag-aplay ang mga tagapag-empleyo sa lokasyon ng trabaho ng pampublikong ahensiya ng serbisyo sa pagtatrabaho, upang kumuha ng lokal na talento na may makatwirang kondisyon sa pagtatrabaho.

2. Bilang karagdagan, ang employer ay kumuha ng mga lokal na empleyado sa pamamagitan ng isa sa mga nakasaad sa ibaba mula Hunyo 1, 2023 at sumunod sa Artikulo 17, Aytem 1 hanggang 3 ng mga regulasyon sa employment ukol sa mga katanggap-tanggap na mga kondisyon sa trabaho, paghayag ng recruitment, notipikasyon sa mga unyon o mga manggagawa at mga pampublikong regulasyon sa notipikasyon ng trabaho. Kung may pagkukulang sa bilang ng mga empleyado at sa huli ay nais kumuha ng mga migranteng manggagawa, maaaring mag-aplay para sa isang sertipiko ng paghahanap ng empleyado mula sa mga pampublikong ahensya kung saan matatagpuan ang lugar ng pagtatrabahuhan sa loob ng 60 na araw matapos mawalan ng bisa ang recruitment period. Hindi na nangangailangang dumaan sa mga pamamaraan ng paghanap ng lokal na empleyado bago kumuha ng mga migranteng manggagawa:

(1) Ang employer ay rumehistro sa isang pampublikong employment service agency at pumayag na ilathala ang rehistrasyon ng trabaho sa website ng Taiwan Employment Network at mayroon itong 7 araw mula sa araw ng rehistrasyong maghanap ng lokal na empleyado.
(2) Kusang nagtala ang employer sa Taiwan Employment Network ng isang job advertisement at kumuha ito ng mga lokal na empleyado sa loob ng 7 araw matapos itong ilathala.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2024/03/25

Nilalaman :

Sagot:
Isinasaalang-alang na ang tagapag-empleyo ay gumagamit ng mid-level teknikal na lakas-tao at may maramihang lakas-tao na ililipat sa isang pagkakataon, upang gawing simple ang mga pamamaraan sa paghahanap ng talento sa loob ng bansa, kapag ang tagapag-empleyo ay maraming migranteng manggagawa ililipat sa mid-level teknikal na lakas-tao sa parehong oras, dapat mag-aplay ang tagapag-empleyo sa pampublikong ahensya ng serbisyo sa pagtatrabaho nang isang beses kasama and paghahanap ng talento sa loob ng bansa, ang ahensya ng pampublikong serbisyo sa pagtatrabaho ay magbibigay pa rin ng isang sertipiko sa paghahanap ng talento para sa parehong kaso ng aplikasyon, at manu-manong isasaad ang iba’t ibang serye ang mga numero sa sertipiko ayon sa bilang ng mga tao na hindi sapat upang mapadali ang pag-aplay ng mga tagapag-empleyo sa pagtatrabaho ng mid-level teknikal na lakas-tao.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/13
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot:
Hindi pwede. Kailangang paghiwalayin ng mga tagapag-empleyo ang pag-aplay ng paghahanap ng lokal na talento sa mga migranteng manggagawa at ng mid-level teknikal na lakas-tao, at hindi sila maaaring magsabay sa pag-aplay o magbahagi ng isang sertipiko ng paghahanap ng talento.Noong Abril 30, 2022, ang porma ng pagpaparehistro ng talento ay binago upang idagdag ang mga patlang ng " Bago kumuha ng mga migranteng manggagawa " o " Bago kumuha ng mid-level teknikal na lakas-tao ", dapat lagyan ng tsek ng mga tagapag-empleyo ang mga uri ng talentong hinahanap.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/13
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 
Ang mga sumusunod ay ang pamantayan ng makatuwirang suweldo para sa iba't ibang trabaho:
(1) Mid-level teknikal na manggagawa ng pangingisda sa karagatan: NT$33,000.
(2) Mid-level teknikal na manggagawa ng pangangalaga sa institusyon: NT$32,000.
(3) Mid-level teknikal na manggagawa ng pangangalaga sa bahay: NT$35,000.
(4) Mid-level teknikal na manggagawa ng outreach pang-agrikultura: NT$33,000.
(5) Mid-level teknikal na manggagawa ng pang-agrikultura: NT$33,000.
(6) Mid-level teknikal na manggagawa ng katayan: NT$37,000.
(7) Mid-level teknikal na manggagawa ng pagmamanupaktura: Mayroong iba't ibang makatwirang pamantayan ng suweldo ayon sa iba't ibang trabaho. Mangyaring tignan ang mga detalye sa Appendix 3.
(8) Mid-level teknikal na manggagawa sa konstruksiyon: Mayroong iba't ibang makatwirang pamantayan ng suweldo ayon sa iba't ibang trabaho. Mangyaring tignan ang mga detalye sa Appendix 4.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2024/03/25

Nilalaman :

Sagot: Ang sertipiko ng hindi paglabag sa mga batas sa paggawa ay nasa loob pa ng panahon ng bisa, hindi na kailangang mag-isyu muli ng sertipiko.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

(1) Hindi, kahit na mayroong may bisa na liham ng pahintulot sa pangangalap ay kailangan pa ring makakuha ng akreditasyon ng kwalipikasyon: Isinasaalang-alang na ang may bisa na liham ng pahintulot sa pangangalap ay hindi maaaring patunayan na ang iba pang mga kinakailangang dokumento ay nasa loob pa ng panahon ng bisa (nang makakuha ang employer ng liham ng pahintulot sa pangangalap, nag-expire na ang liham ng kumpirmasyon ng Industrial Development Administration), at ang pangangalap sa bansa ng mid-level teknikal na lakas-tao at migranteng manggagawa ay magkaibang mga bakanteng posisyon, kaya ang liham ng pahintulot sa pangangalap ay hindi maaaring gamitin bilang katibayan ng kwalipikasyon.
(2) Kung mayroon man may bisa na liham ng pahintulot sa pangangalap ay kailangan pa ring mag-aplay ng paghahanap ng mga lokal na talento: magkaiba ang suweldo ng mga pangangalap sa bansa para sa mga migranteng manggagawa at mid-level teknikal na lakas-tao, at ang mga kasanayan sa trabaho ay iba rin, kahit na mayroong may bisa na liham ng pahintulot sa pangangalap ay kailangan pa ring sa mga tagapag-empleyo na mag-aplay ng paghahanap ng lokal na talento.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/13
  • Petsa ng pag-update :2024/03/26

Nilalaman :

Sagot: 
Oo, upang maprotektahan ang mga karapatan sa pagtatrabaho at interes ng sariling mamamayan sa bansa, mayroong pinakamataas na limitasyon sa bilang ng mga aplikante para sa mga tagapag-empleyo sa mga indibidwal na industriya na kumukuha ng mid-level na teknikal na lakas-tao, ngunit walang limitasyon sa kabuuang bilang ng mga mid-level na teknikal na lakas-tao sa pangkalahatan. Ang pinakamataas na limitasyon ng quota ng aplikasyon para sa mid-level na lakas-tao sa prinsipyo ay kinakalkula sa pamamagitan ng pag-multiply ng ratio ng alokasyon ng mga migranteng manggagawa ng mga indibidwal na pang-industriyang tagapag-empleyo o ng aprubadong bilang ng mga migranteng manggagawa ng 25% (Tandaan: hindi naaangkop sa lahat ng industriya, halimbawa, ang bilang ng quota ng mid-level na pagsasakang pangdagat ay base sa kabuuang laki ng sakahang nakasaad sa lisensya ng pangangalaga o ng fishing entry certificate, at 1 tao ang pwedeng kunin kada kalahating ektarya). Bilang karagdagan, ang pangingisda sa karagatan (kabilang sa hawla at lambat na akwakultura), gawain sa pagmamanupaktura, trabaho ng pangangatay, pangkalahatang konstruksyon, outreach na gawaing pang-agrikultura, gawaing pang-agrikultura(limitado sa mga orkidya, kabute at gulay) at ang kabuuang bilang ng mga tao sa parehong numero ng garantiya sa paggawa na mga migranteng manggagawa, ang mga mid-level na teknikal na manggagawa at ang mga dayuhang propesyonal at teknikal na tauhan ay hindi lalampas sa 50% ng kabuuang bilang ng mga empleyado; ang inhenyeryang konstruksyon ay hindi dapat lumampas sa 50% ng bilang ng mga tao na kinakalkula ng pamamaraan ng modelo ng pangangailangan sa lakas-tao ng gastos sa engineering.Gayunpaman, ang mga naaprubahan ng Executive Yuan na taasan ang ratio ng alokasyon ay hindi napapailalim sa limitasyong ito.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Sagot: 
Ang dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao ay kinakalkula sa pamamagitan ng pag-multiply ng 25% sa ratio ng alokasyon ng pagkuha ng tagapag-empleyo sa mga migranteng manggagawa (hindi kasama ang Extra ratio).Halimbawa, kung ang ratio ng alokasyon ng dayuhang manggagawa sa pagmamanupaktura ay 20%, ang ratio ng mid-level na teknikal na lakas-tao ng kumpanya ay 5% (20%*25%=5%).At ang kabuuan ng bilang sa bilang ng mga migranteng manggagawa, ang bilang ng mga mid-level na teknikal na lakas-tao at ang bilang ng mga dayuhang propesyonal at teknikal na tauhan na nagtatrabaho sa isang kumpanya ng pagmamanupaktura sa loob ng parehong numero ng garantiya sa paggawa ay hindi dapat lumampas sa 50% ng kabuuang bilang ng mga empleyado.
Gayunpaman, pagkatapos ng pagsangguni ng punong-tanggapan at pahintulot ng sentral awtoridad sa target na negosyo, ang bilang ng mga manggagawang tinanggap ng tagapag-empleyo upang makisali sa propesyonal at teknikal na gawain ayon sa Artikulo 46, Aytem 1, Talata 1 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho ay hindi dapat isama sa 50%.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 
Hindi kailangan. Pag-aplay ng permiso sa pagtatrabaho o extension ng permiso sa pagtatrabaho para sa mid-level na teknikal na lakas-tao, mangyaring sumangguni sa " Flowchart ng trabaho ng mga dayuhan para sa mga tagapag-empleyo na kumukuha ng mga dayuhan na mid-level na teknikal na trabaho.”

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 

(1) Ang mga migranteng manggagawa na nagtatrabaho sa loob ng teritoryo ng ating bansa ay maaaring kunin upang magsagawa ng mid-level na teknikal na trabaho kung matugunan ang isa sa mga sumusunod na kondisyon:

1. Ang mga kasalukuyang nagtatrabaho at patuloy na nagtrabaho nang higit sa 6 na taon, o nagtrabaho sa parehong employer nang 6 na taon sa kabuuan.
2. Mahigit 6 na taon nang nagtatrabaho ang manggagawa at lumabas ng bansa, pagkatapos ay muling pumasok at nagtrabaho, ang panahon ng pagtatrabaho ay higit sa 11 taon at 6 na buwan.
3. Ang mga natanggap at nagtrabaho, pinagsama-samang panahon ng pagtatrabaho ng higit sa 11 taon at 6 na buwan, at lumabas na ng bansa.
(2) Para sa mga migranteng manggagawa sa mga naunang talata, kung ang tagapag-empleyo ay nag-aplay na ilipat sa isang dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao, ang panahon ng aplikasyon ay ang mga sumusunod:

1. Upang mag-aplay para sa trabaho ng mga migranteng manggagawa tulad ng nabanggit sa talata 1 ng naunang aytem, ang oras ng aplikasyon ng tagapag-empleyo ay ang mga sumusunod:
   A. Ang orihinal na tagapag-empleyo ay dapat mag-aplay 2 buwan bago ang petsa ng pag-expire ng permiso sa pagtatrabaho para sa mga migranteng manggagawa.Sa madaling salita, sa panahon ng permiso sa pagtatrabaho, ang orihinal na tagapag-empleyo ay maaaring mag-aplay para sa isang paglipat.
   B. Ang bagong tagapag-empleyo ay dapat mag-aplay sa loob ng 2 buwan hanggang 4 na buwan bago ang petsa ng pag-expire ng permiso sa pagtatrabaho para sa mga migranteng manggagawa, at sisimulan ang trabaho mula sa susunod na araw ng pag-expire ng permiso sa pagtatrabaho para protektahan ang mga karapatan at interes ng orihinal na tagapag-empleyo.
2. Upang mag-aplay para sa trabaho ng mga migranteng manggagawa na tinutukoy sa Aytem 2 ng naunang talata, ang orihinal na tagapag-empleyo o ang bagong tagapag-empleyo ay dapat mag-aplay sa loob ng 2 hanggang 4 na buwan bago ang pag-expire ng permiso sa pagtatrabaho, at sisimulan ang trabaho mula sa susunod na araw ng pag-expire ng permiso sa pagtatrabaho.
3. Ang mga aplikasyon para sa pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa na tinutukoy sa Aytem 3 ng naunang talata ay dapat lamang gawin ng mga tagapag-empleyo na dati nang kumuha ng mga migranteng manggagawa bago ang nakatakdang pagsisimula ng trabaho.
(3) Ang mga tagapag-empleyo na nag-aaplay para sa mga migranteng manggagawa upang ilipat sa dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao ay dapat magsumite ng mga sumusunod na dokumento:

1. Porma ng aplikasyon
2. ID ng pagkakakilanlan ng aplikante o ng namamahala sa kumpanya; mga photocopy ng rehistrasyon ng kumpanya, sertipiko ng pagrehistro ng negosyo, sertipiko ng pagrehistro ng pabrika o lisensya ng negosyo ng prangkisa atbp. Gayunpaman, ayon sa mga kaugnay na batas at regulasyon, ang mga exempted sa pag-aplay ng sertipiko ng pagrehistro ng pabrika o lisensya ng negosyo ng prangkisa ay hindi kailangan maglakip ng mga ito.
3. Sertipiko ng paghahanap ng talentoGayunpaman, ang pagtatrabaho ng mga dayuhan para sa mid-level na gawain sa pangangalaga sa bahay ay hindi kailangan maglakip.
4. Ang mga tagapag-empleyo ay dapat pangasiwaan ang paghahanap ng lokal na talento alinsunod sa mga probisyon ng Artikulo 42 ng pahintulot sa tagapag-empleyo na kumuha ng mga dayuhan at mga regulasyon sa pamamahala, ang listahan ng mga lokal na manggagawa. Gayunpaman, ang pagtatrabaho ng mga dayuhan para sa mid-level na gawain sa pangangalaga sa bahay ay hindi kailangan maglakip. 
5. Mga sumusuportang dokumento ibinigay ng pamahalaang munisipyo o county (lungsod) para sa pagsunod sa mga nauugnay na batas at regulasyon sa paggawa.
6. Listahan ng mga dayuhang nagtatrabaho, mga kopya ng mga pasaporte o mga permiso sa paninirahan ng mga dayuhan.
7. Ang orihinal na resibo ng bayad sa pagsusuri.
8. Mga dokumentong nagpapatunay na natutugunan ang mga kwalipikasyon para sa mga propesyonal na lisensya, mga kurso sa pagsasanay o mga praktikal na kwalipikasyon na tinukoy sa nakalakip na talahanayan ng Artikulo 62 ng " Mga kwalipikasyon at pamantayan sa pagsusuri para sa mga dayuhan na makasali sa mga serbisyo sa pagtatrabaho ng Artikulo 46, Talata 1, Aytem 8 hangggang 11”
9. Iba pang mga kinakailangang dokumento ng sentral na karampatang awtoridad.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Sagot: 
Alinsunod sa Artikulo 43 ng pahintulot ng mga tagapag-empleyo na kumuha ng mga dayuhan at administratibong panukala, ang tagapag-empleyo ay dapat sa loob ng itinakdang panahon, mag-aplay para sa pagtatrabaho sa pangalawang kategorya ng mga dayuhan upang makisali sa mid-level na teknikal na trabaho:

(1) Migranteng manggagawang kasalukuyang nagtatrabaho at patuloy na nagtatrabaho nang higit sa 6 na taon:

1. Dating tagapag-empleyo: mag-aplay 2 buwan bago matapos ang permiso sa pagtatrabaho.
2. Mga bagong tagapag-empleyo: mag-aplay sa loob ng 2 hanggang 4 na buwan bago ang expiration ng permiso sa pagtatrabaho sa naunang talata, at sisimulan ang trabaho mula sa susunod na araw ng pag-expire ng permiso sa pagtatrabaho.

(2) Mga migranteng manggagawang kasalukuyang nagtatrabaho sa parehong employer nang may kabuuang higit sa 6 na taon: Ang orihinal na employer ay mag-aaplay 2 buwan bago matapos ang employment permit; ang bagong employer ay mag-aaplay sa loob ng 2 hanggang 4 na buwan bago matapos ang orihinal na employment permit. Halimbawa: Ang migranteng manggagawa ay kasalukuyang nagtatrabaho para kay employer A nang may kabuuang 6 na taon pataas at nauna nang nakapagtrabaho para kay employer B nang may kabuuang 6 na taon pataas. Kung nais ni employer A na kunin ang migranteng manggagawa bilang isang mid-level skilled worker, dapat itong mag-aplay 2 buwan bago matapos ang employment permit. Kung nais naman ni employer B mag-aplay, dapat itong mag-aplay sa loob ng 2 hanggang 4 na buwan bago matapos ang employment permit.

(3) Mga migranteng manggagawang nagbabalik sa bansa matapos magtrabaho ng 6 na taon pataas at kasalukuyang nakapagtrabaho na ng may kabuuang 11 na taon at 6 na buwan pataas: Ang employer ay dapat na mag-aplay 2 hanggang 4 na buwan bago magtapos ang employment permit at kunin muli ang migranteng manggagawa sa susunod na araw matapos ang expiration ng employment permit.

(4) Mga nakaalis na ng bansa matapos magtrabaho nang may kabuuang 11 na taon at 6 na buwan pataas: Dapat mag-aplay ang employer. Ngunit ang mga tumutugon sa mga kwalipikasyong nakasaad sa Talata 5 ng Artikulo 43 ng Empployer's Licensing and Management Regulations for Employing Foreigners ay maaari ring mag-aplay.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2024/04/23

Nilalaman :

Sagot: 
(1) Para sa mga tumutugon sa Artikulo 43 ng Employer's Permit and Management Measures for Employing Foreigners (mula rito ay tatawaging "Employment Measures"), dapat na mag-aplay ang mga employer na nagnanais kumuha ng mga dayuhan bilang mid-level skilled worker. Bago aprubahan ng Ministrong ito ang employment permit, hindi pinapayagan ang mga employer na magtrabaho bilang Kategorya 3 na manggagawa ang mga Kategorya 2 na dayuhan o overseas Chinese.
A. Mga tumutugon sa Artikulo 43, Talata 1, Bilang 1 ng Employment Measures:
1. Maaaring mag-aplay ang orihinal na employer sa loob ng 2 buwan bago matapos ang employment permit para kumuha ng mid-level skilled worker mula sa loob ng bansa. Ang araw ng pagkakaroon ng bisa ng employment permit ay ang mas nahuling araw sa pagitan ng nakaplanong unang araw ng trabaho at ng araw ng pagkakaloob ng employment permit. Kung ang orihinal na employment permit ay lumipas na sa loob ng panahon ng review ng Ministrong ito, mag-iisyu ang Ministrong ito ng employment permit sa araw kasunod ng pagkakawalang bisa ng orihinal na permit.
2. Kung ang bagong employer ay mag-aaplay sa loob ng 2 hanggang 4 na buwan bago mawalan ng bisa ang orihinal na employment permit, at kumuha ng mid-level skilled worker sa loob ng bansa, ang araw ng pagkakaroon ng bisa ng employment permit ay ang araw matapos mawalan ng bisa ang orihinal na employment permit.

B. Mga tumutugon sa Artikulo 43, Talata 1, Bilang 2 ng Employment Measures: 
Ang mga employer (kabilang ang mga orihinal at bagong employer) ay maaaring mag-aplay sa loob ng 2 hanggang 4 na buwan bago mawalan ng bisa ang orihinal na employment permit upang kumuha ng mid-level skilled worker sa loob ng bansa. Ang araw ng pagkakaroon ng bisa ng employment permit ay ang araw matapos mawalan ng bisa ang orihinal na employment permit.

C. Mga tumutugon sa Artikulo 43, Talata 1, Bilang 3 ng Employment Measures: 
Mga employer na nakapagtrabaho na noon ay maaaring mag-aplay bago ang nakatakdang unang araw ng trabaho para kumuha ng mid-level skilled worker mula sa ibayong dagat. Ang araw ng pagkakaroon ng bisa ng employment permit ay magsisimula mula sa nakatakdang unang araw ng trabaho. Kung ang nakatakdang unang araw ng trabaho ay lumipas habang inaasikaso ng Ministrong ito, mag-iisyu ng employment permit at ang epektibong araw ng employment permit ay ang araw ng pagkakaloob ng permit na ito.

D. Mga dayuhang estudyante, overseas Chinese, o iba pang mga etnikong Chinese na estudyanteng nakapagtapos ng kolehiyo o ng mas mataas pa sa loob ng bansa: 
Ang mga employer ay maaaring mag-alay bago ang nakatakdang araw ng trabaho upang kumuha ng mga mid-level skilled workers mula sa ibayong dagat o sa loob ng bansa. Ang epektibong araw ng pagkakabisa ng employment permit ay ang nakatakdang unang araw ng trabaho. Kung ang nakatakdang unang araw ng trabaho ay lumipas habang inaasikaso ng Ministrong ito, mag-iisyu ng employment permit at ang epektibong araw ng employment permit ay ang araw ng pagkakaloob ng permit na ito.

(2) Tama, kung ang mid-level teknikal na lakas-tao ay kinuha ng tagapag-empleyo para magtrabaho, ang permit sa pagtatrabaho ay hanggang 3 taon pa rin.Tanging ang mga dayuhan na nakakuha ng permanenteng paninirahan, walang limitasyon sa panahon ng permit sa pagtatrabaho.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/13
  • Petsa ng pag-update :2024/04/23

Nilalaman :

Sagot: 
Hindi pwede, ang pangunahing impormasyon, mga teknikal na kondisyon at mga limitasyon sa suweldo ng dayuhan ay magkaiba, kaya hindi maaaring gamitin ang parehong permit sa pagtatrabaho upang kumuha ng ibang dayuhan, kung ang tagapag-empleyo ay kailangang kumuha ng isang dayuhan para sa mid-level, dapat magsumite ng mga kaugnay na dokumento, at muling mag-aplay sa punong-tanggapan para sa mid-level permit sa pagtatrabaho.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26