Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

“Pag-promote ng klase ng kredito sa edukasyon ng migranteng manggagawa” Pagpapakilala ng patakaran
Nilalaman :

1. Target ng pagsasanay: Mga migranteng manggagawa na nagtatrabaho sa Taiwan na walang degree katumbas ng high school, namumukod-tangi ang pagganap at may potensyal sa pag-unlad. 
2. Paano pangasiwaan: 
(1) Ang mga migranteng manggagawa na hindi direktang makapag-aral sa associate degree na klase ng kredito sa ating bansa ay maaaring mag-aral sa "Pag-promote ng klase ng kredito sa edukasyon ng migranteng manggagawa" sa pakikipagtulungan ng mga paaralan at negosyo na pinag-ugnay ng Ministri ng Edukasyon.
(2) Hindi bababa sa 9 na kredito bawat semestre.
(3) Ang mga nakatapos ng 40 na kredito o higit pa sa mga klase ng kredito, nakakuha ng mga sertipiko ng kredito, at hindi bababa sa 22 taong gulang at nakakatugon sa "Mga Pamantayan para sa pagkilala sa katumbas na Kakayahang akademiko para sa pagpasok sa unibersidad" ay maaaring mag-aplay sa espesyal on-the-job na klase. 
(4) Mga hakbang sa insentibo: Ang Ministri ng Paggawa ay magbibigay ng mga insentibo para sa mga tagapag-empleyo upang hikayatin ang mga migranteng manggagawa na lumahok sa mga espesyal na kurso sa pagsasanay, maaaring piliin ng tagapag-empleyo na mag-aplay ng isa sa dalawang hakbang ng "pagdagdag ng migranteng manggagawa" o "pagbawas ng bayad sa pagpapatatag ng trabaho". 
3. Bintana ng pakikipag-ugnayan sa negosyo: 
1. Pagpapareha ng mga kolehiyo at unibersidad sa pagbubukas ng mga espesyal na klase: Kagawaran ng Edukasyong Teknikal at Bokasyonal, Ministri ng Edukasyon (02) 7736-6170
2. Magbigay ng mga insentibo sa mga tagapag-empleyo at konsultasyon sa mga pagbabago sa mga kaugnay na batas at regulasyon: Ahensiya ng Pagpapaunlad ng Paggawa ng Ministri ng Paggawa (02) 8995-6000

  • Petsa ng Paglathala :2023/04/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26