Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

Sagot: 
Kailangan.Kung ang isang ahensyang tagapamagitan ay hinirang lamang ng mid-level teknikal na lakas-tao upang pangasiwaan ang negosyong serbisyo sa pagtatrabaho, dapat itong isama sa pagsusuri ng ahensya ayon sa mga probisyon ng mga punto ng pagsusuri sa kalidad ng mga ahensya ng pribadong serbisyo sa pagtatrabaho na nakikibahagi sa mga serbisyong multinasyunal na taong tagapamagitan (mula rito ay tinukoy bilang mga punto ng pagsusuri), at ang pagsusuri ay dapat isagawa ayon sa nilalaman ng aytem ng pagsusuri.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/03/21

Nilalaman :

Sagot: 
Hindi naaangkop.Ang pagkalkula ng rate ng hindi alam na kinaroroonan para sa pagpapalit ng mga sertipiko na itinakda sa Iskedyul 1 ng Artikulo 15 ng kasalukuyang regulasyon sa pahintulot at pamamahala ng ahensya ng pribadong serbisyo sa pagtatrabaho ay naaangkop lamang sa permiso sa pagtatrabaho para sa mga migranteng manggagawa.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/03/21

Nilalaman :

Sagot: 
Ayon sa Artikulo 3 tungkol sa mga bayaran at halaga na sinisingil ng mga pribadong ahensya ng serbisyo sa pagtatrabaho, maaaring singilin ng ahensya ang tagapag-empleyo sa mga bayarin ng pagpaparehistro at sa referral na hindi lalampas sa unang buwang suweldo ng dayuhan.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/03/21

Nilalaman :

Sagot: 
Ito ay iligal. Hindi nagampanan nang maayos ng namamagitang ahensya ang mga tungkulin nitong asikasuhin ang mga permiso sa paninirahan ng dayuhan kung kaya't naapektuhan ang mga karapatan at interes ng mga dayuhan. Ang namamagitang ahensya ay pinaghihinalaang lumabag sa Artikulo 40, Talata 1, Aytem 15 ng Employment Service Act at dapat itong patawan ng multa mula NT$60,000 hanggang NT$300,000.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2024/03/26

Nilalaman :

Sagot: 
Ito ay iligal. Tumatanggap ang mga ahensya ng paghirang sa kanila ng mga mid-level skilled workers upang asikasuhin ang mga kinakailangang employment services matapos pumasok ng bansa. Alinsunod sa Artikulo 5 hinggil sa mga bayarin at halagang maaaring singilin ng isang pribadong ahensya para sa mga employment services, ang mga ito ay maaari lamang sumingil mula sa mga dayuhan ng mga service fee na hindi lalagpas sa NT$2,000 bawat taon. Kung sinisingil ng isang ahensya ang dayuhang mid-level skilled worker ng NT$1,500 kada buwan, ito ay lumalabag sa mga probisyon ng Artikulo 40, Talata 1, Aytem 5 ng Employment Service Act.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2024/03/26

Nilalaman :

Sagot: 
Labag sa batas.Ang isang ahensya ng tagapamagitan na tumatanggap ng mid-level na teknikal na lakas-tao para sa negosyong serbisyo sa pagtatrabaho ay dapat pumirma ng nakasulat na kontrata, kung hindi ay lalabag ito sa mga probisyon ng Artikulo 21 hinggil sa mga regulasyon sa pahintulot at pamamahala ng ahensya ng pribadong serbisyo sa pagtatrabaho.Titingnan rin ito ang katayuan bilang isang dayuhan na naghahanap ng trabaho o isang upahang manggagawa, ang ahensya ay paparusahan sa paglabag sa mga regulasyon ng Artikulo 40 Talata 1 Aytem 1 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho o ng parehong batas sa Artikulo 40 Talata 1 Aytem 20.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/03/21

Nilalaman :

Sagot: 
Bibigyan ng priyoridad ang paggawa ng mga bersyon ng multilinggwal para sa mga mahahalagang proyekto sa industriya ng pagmamanupaktura.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 

1. Para sa mga tagapag-empleyo na kumuha ng mid-level teknikal na lakas-tao, ang pag-aplay at pamamahala nito pagkatapos makapasok sa bansa, maliban sa mga nakasaad sa Artikulo 23 at 24 ng pahintulot sa mga tagapag-empleyo na kumuha ng mga dayuhan at mga panukala sa pamamahala at iba pang probisyon, ang prinsipyo ay naaangkop sa mga regulasyon sa mga migrateng dayuhan.Ang mga serbisyo sa pagtatrabaho na tinatanggap ng ahensya ang paghirang ng mga tagapag-empleyo o mid-level teknikal na lakas-tao ay pareho din sa para sa mga migranteng manggagawa.
2. Ayon sa Artikulo 21 ng regulasyon sa pahintulot at pamamahala ng ahensya ng pribadong serbisyo sa pagtatrabaho, ang isang nakasulat na kontrata ay dapat lagdaan upang tanggapin ang paghirang ng mid-level na teknikal na tauhan upang pangasiwaan ang mga serbisyo sa pagtatrabaho.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/03/21