Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

Sagot:
Upang malutas ang kakulangan ng mga lokal na talento sa industriya, at mapanatili ang mga bihasang migranteng manggagawa na nagtrabaho sa ating bansa ng isang tiyak na tagal ng panahon, at ang mga dayuhang estudyante na may associate degree o mas mataas na nililang sa mataas na edukasyon sa ating bansa, inaprubahan ng Executive Yuan noong Pebrero 17, 2022, ang ""Programa ng pagpapanatili ng dayuhang mid-level teknikal na lakas-tao"" (tinukoy bilang programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa), nang hindi naaapektuhan ang mga karapatan sa trabaho at sahod ng ating mamamayan, alinsunod sa Artikulo 46 Aytem 1 Talata 11 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho: “Ang iba dahil sa espesyal na katangian ng trabaho at kakulangan ng gayong mga talento sa loob ng bansa, may tunay na pangangailangan na kumuha ng mga dayuhan upang gawin ang trabaho, at matapos maaprubahan ng sentral na karampatang awtoridad”, ang mga tagapag-empleyo ang mag-aaplay para sa pagkuha ng mga kwalipikadong migranteng manggagawa at mga dayuhang estudyante upang makisali sa mga mid-level na teknikal na trabaho.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/03/25

Nilalaman :

Sagot:
Mga dayuhang tumutugon sa isa sa mga sumusunod na kondisyon ay maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo:

1. Kasalukuyang nagtatrabaho na mga dayuhan (tinutukoy dito bilang migranteng manggagawa) na nagtatrabaho alinsunod sa Aytem 8 hanggang 10 Talata 1 Artikulo 46 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho, at patuloy na nagtrabaho nang higit sa 6 na taon o kaya ay nagtrabaho sa parehong employer nang mahigit 6 taon na kabuuan.
2. Mga nagbabalik na migranteng manggagawang nakatanggap ng trabaho na noong umalis ay nagtrabaho na ng 6 na taon pataas sa Taiwan. Ang kabuuang panahon ng pagtrabaho ay 11 na taon at 6 na buwan pataas.
3. Mga migranteng manggagawa na nagtrabaho nang mahigit 11 taon at 6 na buwan at lumabas na ng bansa.
4. Mga dayuhang estudyante, overseas Chinese o iba pang Chinese na estudyante na nagtapos sa mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa at nakakuha ng associate degree o mas mataas.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2024/03/25

Nilalaman :

Sagot: Naaangkop.
1. Mga migranteng manggagawang bumalik ng Taiwan upang magtrabaho matapos umalis ng bansa na nagtatrabaho rito ng 6 na magkakasunod na taon o nagtatrabaho sa parehong employer, o may kabuuang 11 na taon at 6 na buwan nang nagtatrabaho sa Taiwan ay maaaring aplayan ng employer bilang isang mid-level skilled worker.
2. Para sa mga migranteng manggagawang nagtrabaho na sa Taiwan ng kabuuang 11 na taon at 6 na buwan pataas ngunit umalis na ng bansa, maaari lamang mag-aplay at bumalik ng Taiwan upang magtrabaho sa mga mid-level na trabaho sa ilalim ng dati nitong employer. Ngunit, kung ang manggagawang ito ay nasa larangan ng mid-level na pangangalaga ng isang tahanan, ang employer, mga kamag-anak sa ikatlong degree ng inaalagaan, o kung ang inaalagaan ay walang mga kamag-anak sa Taiwan, atbp. na tumutugon sa mga kwalipikasyong nakasaad sa Paragraph 5 ng Artikulo 43 ng Employer's Licensing and Management Regulations for Employing Foreigners, ay maaari ring magsumit ng aplikasyon.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2024/03/25

Nilalaman :

Sagot: 
Ang kasalukuyang bukas na mga kategorya ng dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao ay limitado sa trabaho sa pangingisda sa karagatan, gawain sa pagmamanupaktura, trabaho ng pangangatay, gawain sa konstruksiyon (kabilang ang pampublikong inhenyeriya, pangunahing konstruksyong inhenyeriyang sibil, at mga pangkalahatang konstruksyon), outreach na gawaing pang-agrikultura, gawain pang-agrikultura (kabilang ang agrikultural na pagkain, pangungubat, pangangalaga ng mga hayop, pagsasakang pangtubig, at gawain sa mga palaisdaan), trabaho sa pangangalaga sa institusyon, at trabaho sa pangangalaga sa bahay.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Sagot: 
Binago ng Ministeryong ito ang mga intermediyang regulasyon noong Oktubre 15, 2012 at binuksan ang mga mid-level na teknikal na trabaho sa mga larangan ng pangkalahatang konstruksyon, teknikal na pangungubat, pangangalaga ng mga hayop, at pagsasakang pangtubig. Bilang karagdagan, kung may iba pang mga pangunahing industriya sa hinaharap, ang itinalaga ng sentral awtoridad sa target na negosyo at napagkasunduan ng punong-tanggapan ay isasama sa rolling review ang mid-level sa bukas na industriya.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Sagot:
1. Kung sa loob ng panahong may bisa ang employment permit, ang isang migranteng manggagawa ay bumalik ng Taiwan matapos umuwi sa kanyang sariling bansa upang bumisita ng mga kamag-anak, nanatili sa ibayong dagat nang dahil sa pandemya o iba pang espesyal na kadahilanan, o kaya ay matapos aprubahan ng Ministrong ito ay nasa loob ng bansa habang naghihintay ng pagpalit ng employer alinsunod sa mga probisyon ng Artikulo 59, Paragraph 1 ng Employment Service Act, ay tinuturing na patuloy na nagtatrabaho at maaaring mag-aplay para sa mga mid-level na teknikal na trabaho.
2. Kung ang isang migranteng manggagawa ay nagtatrabaho para sa parehong employer nang may kabuuang 6 na taon maaari itong mag-aplay. Hindi nito kinakailangan ng 6 na magkakasunod na taon ng pagtatrabaho.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2024/03/25

Nilalaman :

Sagot: 
Walang limitasyon sa bilang ng mga taon.

Ayon sa Artikulo 52 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho, ang mga tagapag-empleyo na kumukuha ng dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao ang pinakamatagal ay 3 taon bawat oras. pagkatapos ng pag-expire ng panahon, ang tagapag-empleyo na nakakatugon sa mga kwalipikasyon ay maaaring mag-aplay muli, at walang limitasyon sa kabuuang taon ng pagtatrabaho ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Taiwan.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/03/14

Nilalaman :

Sagot: 
Ayon sa Articles 53 at 59 ng Batas sa Serbisyo sa Pagtatrabaho, ang permiso sa pagtatrabaho ng mga dayuhang mid-level na teknikal na lakas-tao ay nasa loob ng panahon ng bisa, na may pahintulot sa mga kadahilanang hindi nauugnay sa dayuhan, saka lang maaaring magpalit ng tagapag-empleyo o trabaho.Ang mga pamamaraan para sa pag-aaplay sa pagpapalit ng mga tagapag-empleyo ng mid-level na teknikal na lakas-tao ay kapareho ng sa pagpapalit ng mga tagapag-empleyo sa kasalukuyang mga migranteng manggagawa.
 

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/07
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26