Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

Mga kurso sa pag-aaral sa plataporma ng digital na serbisyo ng Ahensya sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Trabaho ng Ministri ng Paggawa  (website: https://portal.wda.gov.tw/mooc/index.php) na sertipikado ng Ministri ng Pangkabuhayan, ang mga sumusunod na paksa sa pag-aaral nauugnay sa pagmamanupaktura.
(1) Paggawa ng plato sa pagpi-print, mga graphics: proseso ng prepress, lithography, 3D printing (2) Disenyo ng damit: damit ng lalaki, damit ng babae, mga accessories (3) Metal at mekanikal na pagproseso: computer numerical control milling machine, casting, computer Auxiliary mechanical drawing, sheet metal, pagpipinta ng sasakyan, milling machine, makinang panlalik, amag, machining, surface grinder, manggagawa sa lathe, computer-aided mechanical design drawing, manggagawa sa surface grinder, manggagawa sa milling machine, mechanical drawing, manggagawa sa computer numerical control lathe, precision mechanic, pangkalahatang manwal welding, semi-awtomatikong welding, pagpapatakbo ng maker machine, argon tungsten electrode welding, disenyo (4) Software ng impormasyon: computer software application, computer software na disenyo, pagtayo ng network, disenyo ng web, dekorasyon ng computer hardware, pangunahing software ng impormasyon, disenyo ng software ng application (5) Elektroniko: elektronikong instrumento, elektronikong lakas, teknolohiya ng komunikasyon (6) Motor/electromekanikal: pang-industriya na mga wiring, inspeksyon ng mga kagamitang elektrikal, pagsasama-sama ng electromechanical, presyon ng hangin (7) Enerhiya: pagpapalamig at pag-aayos ng air conditioning, solar photovoltaic settings (8) Tubo: pagtutubo ng tubig (9) Pag-aayos ng sasakyan: pag-aayos ng bisikleta, pagkumpuni ng kotse

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/08
  • Petsa ng pag-update :2022/07/08

Nilalaman :

1. Sa pamamagitan ng iCAP kurso sa sertipikasyon, maaaring pumunta sa "Plataporma ng aplikasyon ng pagpapaunlad ng pagganap " (https://icap.wda.gov.tw) na itinatag ng Ahensya sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Trabaho ng Ministri ng Paggawa para magtanong tungkol sa kursong nakatuon sa pagpapaandar, maaaring pumili sa 3 larangan kabilang ang "Paggawa", "Teknolohiya ng Impormasyon", " Agham, Teknolohiya, Inhinyero, Matematika " na nasa patlang, at i-click ang "Oo" sa patlang na "Ang kurso ba ay nasa loob ng panahon ng bisa", at pagkatapos ay i-click ang " Simulan ang pagtatanong " at makikita ang mga kurso sa sertipikasyon ng iCAP sa mga nauugnay na larangan na dati nang binuksan at nasa loob pa rin ng panahon ng bisa.Para sa impormasyon sa pagpaparehistro tungkol sa kursong sertipikasyon ng iCAP, mangyaring makipag-ugnayan sa window ng yunit ng pagsasanay ng kursong sertipikasyon ng iCAP.

2. Ang panahon ng bisa ng kursong sertipikasyon ng iCAP ay 3 taon, pagkatapos na lumahok ang mga mag-aaral sa kursong sertipikasyon at makapasa sa pagsasanay, ihahanda at ibibigay ng yunit ng pagsasanay ang sample ng sertipiko ng pagsasanay na inaprubahan ng Ahensya sa Pagpapaunlad ng Lakas ng Trabaho, Ministri ng Paggawa, at kasama sa sertipiko ng pagsasanay ang marka ng kursong sertipikasyon ng kalidad ng kursong nakatuon sa pagpapaandar.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/08
  • Petsa ng pag-update :2022/07/08

Nilalaman :

1. Ang mga propesyonal na kaalaman at teknikal na kurso sa pagsasanay kaugnay sa industriya ng pag-upgrade at pagbabagong-anyo na isinagawa sa mga kolehiyo at unibersidad, tungkol sa limang kursong akademiko kabilang ang " Pisika, Kimika at Agham ng Daigdig", "Matematika at mga Istatistika", " Teknolohiya ng Impormasyon at Komunikasyon ", " Inhinyero at Industriya ng Inhinyero ", "Paggawa at Pagproseso ", mangyaring sumangguni sa website ng impormasyon ng Ministri ng Edukasyon para sa mga kaugnay na departamento sa listahan ng mga kolehiyo at unibersidad (website: https://ulist.moe.gov.tw/Query/Discipline).

2. Ang mga propesyonal na kaalaman at teknikal na mga kurso sa pagsasanay sa industriyal na pag-upgrade at pagbabagong-anyo na isinagawa ng Kawanihan ng Industriya ng Ministri ng Pangkabuhayan ay nakalista sa pandaigdigang network ng impormasyon para sa pagsasanay ng mga talento sa teknikal na pang-industriya (website: https://idbtrain.stpi.narl.org. tw).

3. Ang mga propesyonal na kaalaman at teknikal na mga kurso sa pagsasanay kaugnay sa industriya ng pag-upgrade at pagbabagong-anyo na isinagawa ng Ministri ng Paggawa, maaaring sumangguni sa mga sumusunod na akreditado na kurso:

(1) Ang praktikal na klase sa pagkumpuni at pagpapanatili ng sasakyan de-kuryenteng at langis at kuryente hybrid na sasakyan na inorganisa ng Greater Taichung Automobile Maintenance and Repair Industry Occupational Union.
(2) Ang klase sa kontrol ng kagamitan sa motor at ang pagsusuri at inspeksyon ng mga sira na inorganisa ng Jiashou Co.Ltd kabilang ang sentro ng pagsasanay sa bokasyonal.
(3)  Ang pangunahing klase ng Solidworks sa tulong ng computer sa pang-industriya na pagguhit na inorganisa ng Incorporated Legal Person Taiwan Creative Activity Development Association.
(4) Ang klase sa pagpaplano at disenyo ng sistema ng pagkontrol sa pangkapaligiran ng Smart Care na inorganisa ng Beixun Computer Co., Ltd. kabilang ang sentro ng pagsasanay sa bokasyonal.

Ang mga kurso sa pagsasanay sa itaas na inaprubahan ng Ministri ng Pangkabuhayan o isang propesyonal na ahensya ng sertipikasyon na kinikilala ng Ministri ng Pangkabuhayan, at ang mga oras ng pagsasanay ay dapat na higit sa 80 oras, maaaring pagsamahin at maipon, o maaari ring pumili ng isa, at ilakip ang sertipiko ng mga oras.
 

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/08
  • Petsa ng pag-update :2022/07/08