Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

Sagot: 
Mayroon, dapat magkaroon ng isa sa mga kinakailangang propesyonal na lisensya, mga kurso sa pagsasanay o mga kwalipikasyon sa sertipikasyon sa pagsasanay. ngunit sa kategorya ng industriya ang buwanang palagiang suweldo ay umabot sa (pareho sa ibaba) NT35,000 o higit pa  ang buwanang palagiang suweldo ng pangangalaga sa institusyon ay umabot sa NT31,000 o higit pa, ang kabuuang buwanang suweldo sa gawaing pangangalaga sa bahay ay umabot sa NT26,000 o higit pa , ma-exempt sa teknikal na kondisyon.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 

1. Ang mga dayuhan na nakikibahagi sa industriya ng mga mid-level na teknikal na trabaho katulad ng pangingisda sa karagatan, gawain sa pagmamanupaktura, gawain sa konstruksiyon, outreach na gawaing pang-agrikultura, gawain pang-agrikultura (kabilang ang agrikultural na pagkain, pangungubat, pangangalaga ng mga hayop, pagsasakang pangtubig, at gawain sa mga palaisdaan), trabaho ng Pangangatay, dapat matugunan ang isa sa mga kundisyon para sa propesyonal na sertipikasyon, mga kurso sa pagsasanay o sertipikasyon ng pagpapatupad.Bilang karagdagan, ang mga may palagian na suweldo na mahigit sa NT35,000 ay hindi kasama sa mga teknikal na kondisyon.
2. Ang mga dayuhang nakikibahagi sa kategorya ng kagalingang panlipunan mid-level teknikal na trabaho, ang mga nagtatrabaho sa pangangalaga sa institusyon at pangangalaga sa bahay, ay dapat na tumutugon sa mga sumusunod na kwalipikasyon:
A. Nakapasa sa sertipikasyon ng kasanayan sa wikang Chinese (kabilang ang (1) "pangunahing antas" o mas mataas sa pakikinig o pagsasalita ng Chinese, o "pangunahing antas" o mas mataas sa pagsusulit sa pakikinig at pagsasalita ng wikang Hokkien, o (2) lumahok sa pagsasanay sa kasanayan sa wikang Chinese nang higit sa 36 na oras at nakakuha ng sertipiko, o (3) naisagawa ng tagapag-empleyo ang porma ng sariling pagtatasa sa pasalitang pagpapahayag para sa mid-level teknikal na tauhan), at 
B. kumpletuhin ang 20 oras ng mga kurso sa pagsasanay sa edukasyon (patuloy na edukasyon, karagdagang pagsasanay, o pagkumpleto sa mga pagsasanay sa plataporma ng National Disability Welfare Information Integration).
3. Ang mga nagtatrabaho ng pangangalaga sa institusyon na may buwanang suweldo na NT31,000 pataas, at ang mga nagtatrabaho ng pangangalaga sa bahay na may kabuuang buwanang suweldo na NT26,000 pataas ay hindi kabilang sa mga teknikal na kondisyong nakasaad sa itaas.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2024/03/25

Nilalaman :

Sagot: 
Ang mga dayuhang nakikibahagi sa mid-level teknikal na gawain ng katayan ay dapat matugunan ang isa sa mga sumusunod na kwalipikasyon ng propesyonal na lisensya, mga kurso sa pagsasanay o mga sertipikasyon sa pagsasanay, bilang karagdagan, ang mga may palagiang suweldo na higit sa NT35,000 ay exempt sa mga teknikal na kondisyon:
(1) Propesyonal na lisensya: Naglingkod bilang miyembro ng pagkontrol sa kalinisan at kaligtasan sa bahay-katayan na nakapasa sa sertipikasyon para sa pagpapatupad at pagpapatunay ng kalinisan at kaligtasan ng karne at mga sistema ng kontrol na pinangangasiwaan ng Ministeryo ng Agrikultura ng Executive Yuan, at nakakuha ng sertipiko.
(2) kurso ng pagsasanay:Tumanggap ng mga kurso sa pagsasanay na may kaugnayan sa pamamahala na inaprubahan ng Ministeryo ng Agrikultura ng Executive Yuan nang higit sa 80 oras at nakakuha ng sertipiko, o kaya naman ang kurso ng teknikal na pagsasanay na pinangangasiwaan ng tagapag-empleyo na umabot sa mahigit 80 oras at nakakuha ng isang sertipiko o nakumpleto, at ang dayuhan ay nakapagtrabaho sa tagapag-empleyo nang higit sa tatlong taon bago ang petsa ng aplikasyon.
(3) Sertipikasyon ng pagsasanay:Alinsunod sa pamantayan ng sertipikasyon ng pagsasanay na itinakda ng Ministeryo ng Agrikultura ng Executive Yuan, ang tagapag-empleyo, gamit ang nakasulat na sertipiko at ang practice video, mag-aplay sa Ministeryo ng Agrikultura ng Executive Yuan para sa sertipikasyon ng pagsasanay.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Sagot: 

Nakakuha ng lisensya ng superbisor sa site, sertipiko ng pagkumpleto ng Inhinyero ng kalidad ng pampublikong gawain, sertipiko ng pagtatapos ng tagapamahala ng kaligtasan sa trabaho o sertipiko ng pagtatapos ng tagapamahala ng kaligtasan at kalusugan sa trabaho.
Nakapasa sa isa sa mga sumusunod na pagsusuri sa kasanayan ng Technician: (1) Pangkalahatang manwal welding; (2) Semi-awtomatikong welding; (3) Argon Gas tungsten electrode welding; (4) Pagsukat (5) Arkitektural na patong; (6) Rebar; (7) Template;(8) Kongkreto; (9) Arkitektura ng Landscape; (10) Paghahalaman; (11) Waterproofing sa konstruksyon; (12) Kongkreto; (13) Karpintero ng muwebles; (14) Karpintero sa pinto at bintana; (15) Pamamahala sa konstruksyon; (16) Disenyong panloob ng gusali; (17) Pamamahala ng proyekto sa dekorasyong panloob; (18) Pandekorasyon na karpintero; (19) Pamamahala ng proyekto sa konstruksyon; (20) Anchor sa lupa; (21) Balangkas ng konstruksiyon ng bakal na tubo; (22) Metal na kurtinang dingding; (23) Aplikasyon sa pagguhit ng arkitektura; (24) Operasyon ng nakatigil na kreyn; (25) Operasyon ng mobile na kreyn; (26) Operasyon ng malakas na makinarya; (27) Operasyon at pagpapanatili sa pasilidad ng imburnal; (28) Operasyon ng stacker; (29) Pamamahala sa kaligtasan sa trabaho; (30) Pamamahala sa kalusugan sa trabaho; (31) Pamamahala sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho. 

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/25
  • Petsa ng pag-update :2023/03/25

Nilalaman :

Sagot: 

Ang mga nasa mid-level ng teknikal na gawain sa agrikultura na nabibilang sa industriya ng orkidya, nakakain na kabute at industriya ng gulay, ay dapat pumasa sa isa sa mga sumusunod na intermediya na pagsusuri ng mga teknikal na kondisyon ng agrikultura, kasama ang mga aytem: (1) Pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng puno ng prutas (2)Pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng pananim sa pasilidad (3) Pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng tsaa (4) Ang pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng atis; (5) Pangunahing kakayahan ng pagtatanim at pamamahala ng palay.
Ang mga nasa mid-level ng teknikal na gawain sa agrikultura na nabibilang sa outreach na gawain, ay dapat pumasa sa isa sa mga sumusunod na intermediya na pagsusuri ng mga teknikal na kondisyon ng agrikultura, kasama ang mga aytem: (1) Pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng puno ng prutas (2)Pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng pananim sa pasilidad (3) Pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng tsaa (4) Ang pangunahing kakayahan ng paglilinang at pamamahala ng atis; (5) Pangunahing kakayahan ng pagtatanim at pamamahala ng palay.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Walang partikular na mga paghihigpit sa antas.Dapat matugunan ng mga dayuhan ang mga aytem sa pagpapatunay ng kasanayan ng lisensyang propesyonal na tinukoy sa Iskedyul 13 ng pamantayan sa pagsusuri, nakapasa sa pagsusuri, at nakakuha ng sertipiko ng technician; ang mid-level na teknikal na trabaho sa kategorya ng industriya na may 78 na aytem na itinalaga ng Ministri ng Pangkabuhayan (tulad ng pagkukumpuni ng gamit sa kuryente) ay kailangan lang pumasa sa teknikal na pagsusuri.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/13
  • Petsa ng pag-update :2023/03/15

Nilalaman :

Sagot: 

1. Ang mga propesyonal na kaalaman at teknikal na kurso sa pagsasanay kaugnay sa industriya ng pag-upgrade at pagbabagong-anyo na isinagawa sa mga kolehiyo at unibersidad, kabilang ang " Pisika, Kimika at Agham ng Daigdig", "Matematika at mga Istatistika", " Teknolohiya ng Impormasyon at Komunikasyon ", " Inhinyero at Industriya ng Inhinyero ", "Paggawa at Pagproseso ", atbp na limang kursong akademiko.Mangyaring sumangguni sa website ng impormasyon ng Ministri ng Edukasyon para mga kaugnay na departamento sa listahan ng mga kolehiyo at unibersidad (website: ).
2. Ang mga propesyonal na kaalaman at teknikal na mga kurso sa pagsasanay sa industriyal na pag-upgrade at pagbabagong-anyo na isinagawa ng Kawanihan ng Industriya ng Ministri ng Pangkabuhayan ay nakalista sa pandaigdigang network ng impormasyon para sa pagsasanay ng mga talento sa teknikal na pang-industriya (website: https://idbtrain.stpi.narl.org. tw).
3. Mga propesyonal na kaalaman at kurso sa teknikal na pagsasanay na kaugnay sa pang-industriya ng pag-upgrade at pagbabago na isinagawa ng Ahensiya ng Pagpapaunlad ng Paggawa (URL:).
4. Ang mga kursong nakatuon sa pagganap para sa sertipikasyon ng kalidad (iCAP) na isinagawa ng Ahensiya ng Pagpapaunlad ng Paggawa ay nauugnay sa mga kurso sa tatlong larangan ng " “pagmamanupaktura", " teknolohiya ng impormasyon ", "agham, teknolohiya, inhinyero, matematika" (URL: ).
5. Mga kurso sa digital na pag-aaral na inaprubahan ng Ministri ng Economic Affairs sa platform ng serbisyong digital ng Ahensiya ng Pagpapaunlad ng Paggawa (URL:).
6. Nakakuha ng sertipiko o nakumpleto kaugnay sa propesyonal na kaalaman at mga teknikal na kurso sa pagsasanay na isinagawa ng tagapag-empleyo sa loob ng higit sa 80 oras, at ang dayuhan ay nagtrabaho sa tagapag-empleyo nang higit sa 3 taon bago ang petsa ng aplikasyon.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 
Kung ang tagapag-empleyo ay nagpatrabaho sa parehong dayuhan nang higit sa 3 taon, ang tagapag-empleyo ay kailangang magsagawa ng mga kaugnay na propesyonal na kaalaman at kurso sa teknikal na pagsasanay ng higit sa 80 oras at makumpleto, tatanggapin ito bilang patunay ng mga mid-level na kurso sa pagsasanay.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 
Ang sertipikasyon ng aktwal na pagganap ng gawaing teknikal sa mid-level sa kategoryang pang-industriya ay nasa pangangasiwa mismo ng sentral na karampatang awtoridad ng target na industriya o ng isang pinagkatiwalaang grupo, aaprubahan ng Ministri ng Paggawa ang sertipikasyon ng pagpapatupad batay sa liham ng patunay na inisyu mismo ng sentral na karampatang awtoridad ng target na industriya o ng isang pinagkatiwalaang organisasyon.
 

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/03/15

Nilalaman :

Ang kakayahan sa wika ng mid-level teknikal na trabaho sa kategorya ng kapakanang panlipunan ay dapat matugunan ang isa sa mga sumusunod na kwalipikasyon:
(1) Magtataglay ng katibayan ng hindi bababa sa "pangunahing antas" sa pagsasalita o pakikinig sa pagsusulit sa kakayahan sa wikang Chinese ng Ministri ng Edukasyon, o hindi bababa sa "pangunahing antas" sa pagsusulit sa kakayahan sa wikang Hokkien (sa bahagi ng pagsasalita at pakikinig).
(2) Lumahok sa pagsasanay sa kakayahan sa wikang Chinese na ipinagkatiwala ng pamahalaang munisipalidad o county (lungsod), o sa isang institusyong pang-edukasyon na inaprubahan ng Ministri ng Edukasyon na kumuha ng dayuhan upang mag-aral ng Chinese sa Taiwan nang higit sa 36 na oras, at kumuha ng isang sertipiko.
(3) Ang tagapag-empleyo na gumagamit ng parehong dayuhan upang magtrabaho bilang pangangalaga sa institusyon o pangangalaga sa bahay nang higit sa 3 taon, at ang kakayahan ng dayuhan sa pagpapahayag ng bibig ay nakakatugon sa mga kwalipikasyon na inihayag ng sentral na karampatang awtoridad sa pamamagitan ng pagtatasa sa sarili ng tagapag-empleyo, iyon ay, hindi bababa ng 5 mula sa 6 na aytem na nakalista sa pagtatasa sa sarili ng pagpapahayag ng bibig para maging kwalipikado.
Bilang karagdagan, ang tagapag-empleyo na gumagamit ng mga dayuhan upang makisali sa mid-level na trabaho ng pangangalaga sa institusyon at nagbibigay ng buwanang palagiang suweldo na higit sa NT31,000, o gumagamit ng dayuhan upang makisali sa mid-level na trabaho sa pangangalaga sa bahay at nagbibigay ng buwanang kabuuang suweldo na higit sa NT26,000 ay maaaring ma-exempt sa mga kurso sa pagsasanay at sertipikasyon sa kasanayan sa wika.

  • Petsa ng Paglathala :2023/03/28
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26

Nilalaman :

Sagot: 

Dapat kumpletuhin ang isa sa mga sumusunod na kursong pagsasanay:

1. Alinsunod sa Artikulo 21 ng Continuing Education and Registration of Long-Term Care Service Personnel, dapat ay makakumpleto bawat taon ng hindi bababa sa 20 na oras ng patuloy na edukasyon.

2. Alinsunod sa Artikulo 18, Talata 1 ng Measures for the Qualification Training and Management of Persons with Disabilities Services, ang mga klasipikado bilang living service personnel (kabilang ang mga migranteng manggagawa) ay dapat na makakuha bawat taon ng hindi bababa sa 20 na oras ng on-the-job training na kaugnay sa mga serbisyong pampubliko para sa mga taong may kapansanan at itala ito sa plataporma ng National Disability Welfare Information Integration. Ang Ministry of Health and Welfare ay mayroon ding mga kaugnay na pagsasanay.

3. Alinsunod sa ika-limang punto ng Key Points of Hospital Care Attendant Management, ang lahat ng mga naka-lista bilang care attendants ay dapat na makakuha ng 20 oras ng on-the-job training bawat taon ukol sa pagkontrol sa impeksyon, kaligtasan ng mga pasyente, patient privacy, emergency treatment, at kadalubhasaan sa pag-aalaga, atbp., at dapat na rumehistro sa digital learning platform para sa mga long-term care service attendants ng Ministry of Health and Welfare o mag-attach ng sertipiko ng pagsasanay na ibinigay ng employer (ospital) o ng isang training unit na aprubado ng isang akreditadong ligal na awtoridad.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2024/09/27

Nilalaman :

Sagot: 
Ang mga dayuhang estudyante na may associate degree ay dapat kabilang sa isang departamentong may kaugnayan sa pangmatagalang pangangalaga o nakatapos ng associate degree o mas mataas sa kursong pagsasanay ng care attendant na inanunsyo ng sentral na karampatang awtoridad, o nakakuha ng sertipiko ng technician bilang care attendant, ay maaaring kunsiderahing nakapagtapos ng mid-level na teknikal na pagsasanay sa institusyonal na pangangalaga.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Sagot: 
Ayon sa mga regulasyon sa karagdagang pagsasanay para sa mga dayuhang nakikibahagi sa gawaing pangangalaga sa bahay, ang mga karagdagang kurso sa pagsasanay ay kabilang ang mga serbisyo sa pangangalaga sa katawan, mga serbisyo sa pang-araw-araw na pangangalaga sa buhay, mga serbisyong pang-bahay, pagbagay sa kultura, mga kasanayan sa komunikasyon, pang-araw-araw na pag-uusap, kaligtasan sa lugar ng trabaho, pag-iwas sa pinsala, ang konsepto ng proteksyon para sa mga may kapansanan, at iba pang proteksyon sa mga karapatan, at iba pang mga kursong nauugnay sa mga serbisyo sa pangangalaga para sa mga may kapansanan.

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/03/15

Nilalaman :

"Sagot: 
(1) Ang karagdagang pagsasanay ay nahahati sa mga pisikal na kurso sa pagsasanay (magkasama na pagsasanay, pagsasanay sa pagpunta sa bahay) at mga digital na kurso sa pagsasanay, ang nilalaman ng kurso at nauugnay na impormasyon ng yunit ng pagsasanay ay matatagpuan sa "" Pahina ng programa ng pagpapanatili ng mga dayuhan na mid-level na teknikal na lakas-tao "" ng Ministri ng Paggawa sa website: https://gov.tw/4z4
(2) Bilang karagdagan, ang mga dayuhan na nagrehistro at nag-log-in sa Taiwan Jobs at kumonekta sa plataporma ng Workforce Development Agency, at nakatanggap ng digital na pag-aaral nang higit sa 20 oras sa seksyon ng karagdagang pagsasanay sa website ng mga karapatan sa dayuhang manggagawa ng Ahensiya ng Pagpapaunlad ng Paggawa at nakakuha ng sertipiko sa website ay maaari ding gamitin bilang sertipiko ng kwalipikasyon para sa mga kurso sa pagsasanay ng mid-level na trabaho sa pangangalaga sa bahay. Mangyaring tignan ang mga karagdagang instruksyon (Website: https://gov.tw/A7q)"
 

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2023/11/28

Nilalaman :

Sagot: 
Oo, kung ang tagapag-empleyo ay gumamit ng manggagawa ng pangangalaga sa bahay ng kabuuan ng higit sa 3 taon, ang tagapag-empleyo ay maaaring gumamit ng porma sa pagtatasa sa sarili sa pagpapahayag ng bibig upang matiyak ang kakayahan sa wika ng mid-level na tauhan.

  • Petsa ng Paglathala :2023/05/26
  • Petsa ng pag-update :2023/05/26