Lumaktaw sa bloke ng pangunahing nilalaman
:::

Introduksyon sa programang pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa


Upang madagdagan ang pang-industriya na lakas-tao, opisyal na ipinatupad ng punong-tanggapan ang " Programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa” simula Abril 30, 2022. Ito ay naaangkop sa mga industriya ng pagmamanupaktura, industriya ng katayan, industriya ng konstruksyon, agrikultura, at pangmatagalang pangangalaga na mga industriyang nakakuha na ng mga migranteng manggagawa, maaaring panatilihin sa trabaho ang mga senior na migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon o ang mga estudyanteng overseas Chinese na nakakuha ng associate degree o mas mataas sa ating bansa, na kwalipikado ang mga kondisyon ng suweldo, at sa mga kondisyong teknikal, at maaaring mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao. Ang mga mid-level teknikal na lakas-tao ay walang limitasyon sa bilang ng mga taon ng pagtatrabaho sa Taiwan, ang suweldo ay madadagdagan, ang patuloy na pagpapabuti ng mga kasanayan, at hindi kailangang magbayad ng mga bayarin sa katatagan ng trabaho, at maaaring sumali sa sistema ng permanenteng paninirahan sa hinaharap pagkatapos magtrabaho ng isa pang 5 taon.


Ang mid-level teknikal na lakas-tao ay patuloy na magkakaroon ng segurdidad sa paggawa at sa kalusugan, at ang pang-industriyang mid-level teknikal na lakas-tao na sakop ng Batas sa Pamantayan sa Paggawa ay maaari ding ilapat sa lumang sistema ng pagreretiro kapag nagretiro sa Taiwan sa hinaharap. Matapos mag-aplay ang tagapag-empleyo para sa paglipat ng migranteng manggagawa sa mid-level teknikal na lakas-tao, maaaring panatilihin ang mga kinakailangang talento na may mahusay na kasanayan ayon sa pangangailangan, at ang orihinal na quota ng migranteng manggagawa pagkatapos ng paglipat sa mid-level teknikal na lakas-tao ay maaaring gamitin sa pagkuha ng bagong migranteng manggagawa, ang pangkalahatang karagdagan ng dayuhang lakas-tao para sa tagapag-empleyo ay makakatulong upang maibsan ang mga pangangailangan sa trabaho.


Press release: https://www.wda.gov.tw/News_Content.aspx?n=7F220D7E656BE749&sms=E9F640ECE968A7E1&s=B55C7B2F38FFE80D

~
~

Nilalaman :

Noong Hulyo 9, 2021, pinagtipon ng Pangulo at ipanasya ang " Pagpupulong sa Pagsusuri ng Proyekto ng Bagong Patakaran sa Timog ". at sa paanyaya ng National Development Council ang Ministri ng Pangkabuhayan, Ministri ng Edukasyon, Konseho ng mga Gawaing Pangkomunidad sa ibang bansa at Ministri ng Paggawa ay itinatag noong Agosto 12, 2021 ang “Pagpupulong ng 5 pinuno para sa Pagpapalakas ng Populasyon at Patakaran sa imigrasyon“,Sa ilalim ng "Pagpapalakas ng pangangalap ng mga dayuhang propesyonal”, “Pagpapalawak ng Atraksyon at Pagpapanatili ng mga Dayuhang Estudyante" at “Pag-aaral tungkol sa pagpapanatili ng dayuhang teknikal na lakas-tao” 3 pangkat na nagtatrabaho upang isulong ang mga tiyak na hakbang .
Kabilang sa mga ito, ang naaangkop na mga tauhan ng pagpapanatili ng dayuhang teknikal na lakas-tao, kasama dito ang pagbubukas sa mga dayuhang estudyante na nakakuha ng associate degree o mas mataas, ay dapat makibahagi sa mid-level teknikal na trabaho, at hinihikayat ang mga wala pang 30 taong gulang, at mga dayuhan na nakikibahagi sa trabahong tinukoy sa Artikulo 46, talata 1, aytem 8 hanggang 10 ng batas sa serbisyo sa pagtatrabaho sa Taiwan (tinutukoy dito bilang mga migranteng manggagawa) na nag-aaral para sa isang associate degree, pagkatapos ng graduation, maaari nilang piliin na manatili sa Taiwan upang makisali sa espesyal na gawaing teknikal o mid-level teknikal na trabaho; bukod dito, sa mga migranteng manggagawa na nagtrabaho sa Taiwan nang higit sa 6 na taon, maaari nilang baguhin ang kanilang katayuan upang makisali sa mid-level na teknikal na trabaho.
Upang matugunan ang kakulangan ng mid-level teknikal na lakas-tao sa ating bansa na lumalawak taon-taon (halimbawa, higit sa 130,000 kakulangan ng mga manggagawa sa taong 2021), At saka, sa mga nagdaang taon, ang mga kalapit na bansa ay nagsusumikap na kumuha at mapanatili ang mahusay na dayuhang teknikal na lakas-tao, noong Pebrero 17, 2022, ang Executive Yuan  sa pamamagitan ng “Ang programa ng pagpapanatili ng mga talento para sa pangmatagalang paggamit ng mga migranteng manggagawa " na binuo ng Ministri ng Paggawa, ay sumang-ayon na isulong ang “Programa ng pagpapanatili ng dayuhang mid-level teknikal na lakas-tao”, batay sa pagtiyak ng trabaho sa ating mamamayan, binubukas ito sa mga kwalipikadong migranteng manggagawa at mga dayuhang estudyante upang makisali sa mga mid-level na teknikal na trabaho sa Taiwan, at walang limitasyon sa mga taon ng pagtatrabaho, inaasahan sa pamamagitan nito ay mapanatili ang mahuhusay at bihasa na dayuhang teknikal na talento sa Taiwan at mapunan ang kinakailangang lakas-tao sa pinakamaikling panahon. 

Ang PDF elektronikong file ng buong text na inaprubahan ng Executive Yuan  (Nilalaman tulad ng sa Kalakip 4)

  • Petsa ng Paglathala :2022/07/06
  • Petsa ng pag-update :2022/07/06