影片欣賞:
Ang pagkalason sa pagkain na dulot ng asidong bongkrekik or bongkrekik acid mula sa bakterya na B. gladiolus pv. cocovenenans ay isang seryosong panganib sa kaligtasan ng pagkain.
Upang maiwasan ito, pumili ng sertipikadong mga hilaw na kasangkapan, bantayan ang mga expiration date, isagawa ang tamang personal na kalinisan, madalas na maghugas ng kamay gamit ang sabon, at maingat na kontrolin ang oras at temperaturang pagbabad para sa mga rehydrated na materyales ng pagkain. Ang mga sarsa o sauce ay dapat hatiin sa bahagi, lagyan ng label na may expiration date, at itago sa refrigerator.
Upang epektibong mapigilan ang paglaki ng B. gladioli pv. cocovenenans sa pagkain, inirerekomenda na itago ang mga produktong gawa sa moist at processed starch-based rice,mga kabuting wood ear, o mga pagkaing fermentado sa mababang temperatura. Bukod dito, ang pagdaragdag ng katamtamang dami ng asin, pag-aayos ng pH sa mas acidic o alkaline na antas, pagbawas sa nilalaman ng langis, o paggamit ng vacuum packagingay makakatulong upang mapanatili ang kaligtasan ng pagkain.
Pigilan ang Pagkalason sa Pagkain Dahil sa Asidong Bongkrekik,
Protektahan ang ating kalusugan.
Ang Taiwan Food and Drug Administration ay nagmamalasakit sa inyo!