活動快報
內容:
▍Mga Paalala sa Pagpirma ng Kontrata sa Trabaho
•Bago pumirma ng kontrata sa trabaho, maaaring makipag-usap ang migranteng manggagawa sa amo upang pag-usapan ang mga kondisyon ng trabaho at sahod na pabor sa kanya. Pagkatapos basahin ang kontrata at kung wala nang alinlangan at parehong sang-ayon ang dalawang panig, saka lamang ito dapat lagdaan
•Kapag nakapirma na sa kontrata sa trabaho o nagsimula nang magtrabaho, kung mapansin ng migranteng manggagawa na may mga probisyon sa kontrata o sa trabaho na tila labag sa batas o hindi makatarungan, maaari siyang humingi ng tulong o saklolo sa 1955 hotline, sa ahensya ng paggawa, o sa korte—nang walang anumang hadlang o limitasyon
Kung may hindi makatarungang mga probisyon o hinihingi sa kontrata sa trabaho, maaaring agad na humingi ng tulong ang migranteng manggagawa sa 1955 hotline
•Maagang pinutol ng employer ang kontrata nang walang paunang abiso at hind rin nagbigay ng separation pay
•Ipinagbabawal ng employer sa migranteng manggagawa ang maagang pagwawakas ng kontrata, ngunit hindi naman nagbibigay ng makatarungang kompensasyon
•Ipinag-uutos ng employer sa migranteng manggagawa na isuko ang karapatang magreklamo at magsampa ng kaso