跳到主要內容區塊
:::

活動快報

起始活動日期:2023/12/12
發佈日期:2023/12/12類別:最新訊息
活動訊息:Ipinagbabawal ang Pagmamaneho nang

內容:

▎Ipinagbabawal ang Pagmamaneho nang

Ang pagmamaneho matapos uminom ay lumalabag sa pampublikong kaligtasan. Ito ay makakaapekto sa inyong karapatang magtrabaho sa Taiwan!

Halimbawa

Si Ruan ay dumating ng Taiwan mula Vietnam upang magtrabaho. May isang beses na uminom siya ng tatlong lata ng alak sa dormitory at isinama ang kanyang kaibigan sa pagsakay sa motor. Nang siya ay dumaan sa isang bahagi ng kalsada ay nakabangga ito ng isang kotse. Matapos dumating ang mga pulis, si Ruan ay binigyan ng isang alcohol breath test. Ang resulta ay ang konsentrasyon ng alak ay umabot ng 0.53 mg kada litro, isang paglabag sa pagbabawal sa pagmaneho nang lasing.

Resolusyon

•Si Ruan ay nagmaneho matapos uminom at naaksidente, isang paglabag sa pampublikong kaligtasan. Ang mga lalabag sa batas at natagpuang lagpas 0.25 mg kada litro sa alcohol breath test o ang konsentrasyon ng alkohol sa dugo ay lagpas ng 0.05% ay mahahatulan ng pagkakabilanggo nang hindi lalagpas sa 3 taon at maaaring mamultahan ng hindi lalagpas sa NT$300,000.

•Kung natagpuang nagmaneho matapos uminom ang isang migranteng manggagawang nagtatrabaho sa Taiwan at nahatulang nagkasala kung saan ang mga pangyayari ay malubha, babawiin ng Ministry of Labor ang kanyang employment permit, pauuwiin sa kanyang bansa, at maaapektuhan ang kanyang karapatang magtrabaho sa Taiwan.