跳到主要內容區塊
:::

活動快報

起始活動日期:2023/12/08
發佈日期:2023/12/08類別:最新訊息
活動訊息:Prebensyon sa Droga

內容:

▎Prebensyon sa Droga

Mag-ingat! Ang paglabag sa mga regulasyon laban sa droga ay makakaapekto sa inyong mga karapatang magtrabaho sa Taiwan!

Halimbawa

Si Ah Ming ay dumating sa Taiwan upang magtrabaho. Sa isang inspeksyon ng mga pulis, nahuli siyang nagtataglay ng mga iligal na droga. Matapos interogahin ng mga pulis, umamin si Ah Ming na nakabili siya ng amphetamine mula sa isang kababayan sa halagang NT$1,000 sa tulong ng kanyang kaibigan.

Resolusyon

•Si Ah Ming ay nagtataglay ng mga iligal na droga at lumabag sa mga regulasyon laban sa mga iligal na droga. Maliban dito, alam ni Ah Ming na ang mga drogang ito ay pinagbabawal ngunit bumili parin para sa kanyang personal na paggamit. Sinentensyahan siya ng korte ng pagkakabilanggo ng 30 araw o ng multa. Ang mga droga ay kinumpiska at sinira.

•Kung ang isang migranteng manggagawa na nagtatrabaho sa Taiwan ay bumili o gumamit ng iligal na droga at nasintensyahan ng hukumang nagkasala o inutusang magparehabilita ay tinuturing na lumabag sa mga regulasyon laban sa iligal na droga. Babawiin ng Ministry of Labor ang kanyang employment permit at uutusan siyang bumalik sa kanyang sariling bansa at maaapektuhan ang kanyang karapatang magtrabaho sa Taiwan.